KL: Karerahan sa Hong Kong

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  14 February 2009, Saturday

Karerahan sa Hong Kong

Sobrang ganda ng karerahan sa Hong Kong. Ito ay isang truly world-class operation sa ilalim ng Hong Kong Jockey Club, na isang private company na isa sa pinakamalaking taxpayer sa bansa. Higit 11% ng income tax na nakakalap ng Hong Kong ay mula sa HKJC.

Lahat ng kita ng HKJC ay pumupunta sa charity efforts, at marami pa itong sinusuportahan ng mga endeavors tulad ng Panda Habitat sa Ocean Park resort.

Dalawa ang racetrack ng HKJC – ang Happy Valley, na unang itinayo sa gitna mismo ng siyudad ng Hong Kong, at ang Sha Tin facility sa New Territories.

Ang schedule ng racing sa Hong Kong ay magaan lang – dalawang araw kada linggo, mula Setyembre hanggang Hunyo. Miyerkoles ang karera sa Happy Valley, at Linggo sa Sha Tin.

Ang Happy Valley ay pinapaligiran ng mga office buildings at residential condos, at ito’y napakasayang lugar. Punong-puno ito ng karerista kada Miyerkoles. 

DSC_6407

Skyscrapers surround Happy Valley.

Turf o grass ang pista dito. Maganda ang mga marketing plans. Noong Peb. 4, ang event nila ay “Race in the City”. Parang ginaya ang “Sex in the City” bilang come-on o attraction para sa kababaihan. May mga manghuhula ng tarot cards, libreng manicure, and free-flowing na San Miguel Beer! Kaya talagang dinumog ang karerahan noong araw na iyon.

San_mig_tent

San Miguel Beer was free-flowing – for free! – at this tent. A tour guide said that the San Miguel Beer sold in the city was made in Hong Kong from German brewing equipment. “It tastes different,” he said, but his face implied “better” not “different”. Not being a beer drinker, I was unable to disprove his assertion.

Manicure_hv

A racegoer has her nails done – for free – while beside her is a glass of ice-cold San Miguel Beer.

Tuwing Linggo naman ang karera sa Sha Tin. Ito’y napakalaking facility at dito na inilipat ang lahat ng mga cuadra. Pati ang mga kabayong tumatakbo sa Happy Valley ay dinadala nalang doon mula Sha Tin sa trailer o “horse box” na may capacity na 9 kabayo.

Dahil sa limitado ang espasyo at lupa sa Hong Kong, ang mga cuadra doon ay mga gusaling tatlong palapag kataas. Ang access dito ay panay rampa. Mistulang parking lot sa mall ang mga ito.

Kumpleto rin ang Sha Tin sa mga facilities tulad ng equine laboratory, hospital, equine pool, at forge.

Ang equine lab, sa pamumuno ni chemist Dr. Terence Wan, ay isa sa apat na kilalang equine lab sa mundo. Ang tatlo pa ay nasa US, France, at Australia. Higit US$8 million ang halaga ng equipment ng HKJC lab, ayon kay Dr. Wan.  

Ang equine hospital sa ilalim ni Dr. Lawrence Chan ay state-of-the-art din. May hydraulic table ang operating theater, at gamma ray machine upang silipin ang loob ng kabayo, bukod pa sa x-ray at ultrasound machines. May mga treadmills din for testing ng cardiovascular health ng kabayo.

Sa forge naman ginagawa at kinukumpuni ng mga trained blacksmiths ang mga bakal na kagamitan sa karera tulad ng sapatos ng kabayo (horseshoes o racing plates), bits, at iba pa.

Ang equine pool naman ay nasa loob ng one-story na gusali. Rubber slip-proof matting ang nakalatag sa sahig upang di masaktan o madulas ang mga kabayo. Mayroon din padded barriers papasok sa pool bilang karagdagang proteksiyon.

Pagkatapos ng workout sa pool, maaring magpa-infrared heat treatment ang kabayo sa katabing solarium.

Turf at dirt ang mga pista sa Sha Tin. Ang kanilang mga hinete ay karamihan foreigners, tulad ni Douglas Whyte, ang pangunahing jockey doon ngayon, at si Cristophe Soumillon ng France. Kada karera sa Sha Tin noong araw ng Peb. 8 ay sponsored stakes race ng Jebsen Company, kaya may awarding pagkatapos ng bawat karera.

DSC_7267

Racegoers get trackside seats at Sha Tin.

 Napakaganda rin ng broadcast. Bukod sa pagka-class ng production, tatlo ang sets ng commentators nila – may English, Cantonese, at Putonghua (Mandarin), kaya lahat ng manonood ay makakaintindi ng race analysis at iba pang komentaryo.

Cantonese

Talagang nakakahanga ang mga facilities ng HKJC, at dapat lang dahil higit sa US$12 billion kada taon ang sales nila. Kahit di natin mapantayan ang ganda ng kanilang karerahan, at least makakakuha tayo ng “best practices” na maaring i-apply sa ating lokal na sitwasyon na ikabubuti ng karerang Pilipino.

Happy Valentine’s Day sa lahat ng mambabasa ng “Karera Lang!” at Tumbok. Enjoy your day kasama ang minamahal sa buhay!   ***

Related stories:

Comments are closed.