Posts Tagged ‘Filipino’

KL: Yes Pogi sa PCSO Silver Cup!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 24 May 2011, Tuesday

Yes Pogi sa PCSO Silver Cup!

Walang kapagurang nilampaso ng beteranong Yes Pogi ang kanyang mga karibal sa 16th Philippine Charity Sweepstakes Office Silver Cup noong Linggo sa Santa Ana Park ng Philippine Racing Club.

Gumamit ang kanyang hineteng si Manolito Daquis ng kakaibang istratehiya sa laban. Kilala bilang stayer ang puting kabayo, na noong araw ay hinahayaan ng kanyang dating hinete na si Fernando Raquel Jr. na magpa-remate mula sa hulihan.

Ang nakakatakot lang sa modus na iyon ay baka kapusin si Yes Pogi, at iyon na nga ang nangyari sa ilang pagkakataon na siya’y natalo.

Ayon sa isang batikang hinete sa Top Ten, dati nang may potential na maging versatile sa estilo si Yes Pogi. “Pag larga niyan sa aparato,” ani ng hinete, “mabilis niyang nakukuha ang unahan.”

Ito ang nakitang posibilidad ni Daquis sa kabayo. Dahil maulan nung itinakbo ang PCSO Silver Cup at ayaw ni Yes Pogi na natatalsikan siya ng putik, minabuti ni Daquis na paunahin si Yes Pogi. Nakuha agad nila ang bandera kay Thoti’s Best bago pa mag-first bend, at hindi na ito binitiwan hanggang meta.

Medyo kinabahan pa raw ang trainer ni Yes Pogi na si Felix Lauron sa umpisa ng karera dahil hindi nga raw dating inuuna ang kabayo.

Nanalo ng nine lengths si Yes Pogi, sa oras na 2:04.4 sa kuwartos na 25-23’-24’-25-26’.

Napantayan niya ang 2005 record para sa 2,000 meters nina Stowaway Lass at Wild Orchid. Nakatulong rin na matigas ang pista dahil umulan.

Sumegundo si Righthererightnow, tersero si Darleb, at kuwarto si Thoti’s Best. Sinundan sila ni Shining Armour at huling dumating si Go Army.

Kasama sa awarding ceremony mula sa PCSO sina general manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, Committee on Races chairman Atty. Jose Malang, vice-chairmen Carlos Castillo at Desoto Tupaz, at members Dr. Romeo Buencamino at Henry Z. Beech; sina assistant general manager Benigno Aguas, treasury department manager Mercedes Hinayon, at marami pang iba.

Naroon mula sa Philippine Racing Club sina president Solomon Cua at executive vice-president at COO Atty. Ramon P. Ereñeta Jr.

Tinanggap ni Ma. Theresa de Vera ang tropeo para sa may-ari ni Yes Pogi na si Francis Lim, at si Jec Santos naman para sa Herma Farms & Stud, breeder ni Yes Pogi (Rum Tum Tiger x Belle Epoque).

Congratulations sa connections ni Yes Pogi, isang tunay na kampeon!

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

KL: Hari ng Yambo, Hari ng 1st Leg TC!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 17 May 2011, Saturday

Hari ng Yambo, Hari ng 1st leg TC!

Isang dehadong kabayo ang nanaig sa Philippine Racing Commission 1st leg Triple Crown seriesnoong nakaraang Linggo sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Nilampaso ng kuwarto-llamadong Hari ng Yambo ang lima pang kalahok, kasama na ang llamadong siMagna Carta na inasahan ng karamihan. (Na-scratched si Bosbarawana.)

Pag bukas ng aparato, kinuha agad ni Rodeo Fernandez, hinete ni Hari ng Yambo, ang unahan, at hindi na ito binitiwan hanggang makarating sa meta ng anim na kabayo pa ang layo sa sumegundong Magna Carta. Tersero si The Rock, at kuwarto si Barkley.

Malapit na ring basagin ni Hari ng Yambo ang record time na 1:38 para sa milya na ginawa ni Copper Dew noon pang 2007. Umoras si Hari ng Yambo ng 1:39, sa kuwartos na 24’-23-25-26’, isang napaka-impresibong performance. Tingin ko kaya niyang sirain ang record noon, ngunit hindi nalang ito ipinuwersa sa rekta dahil malayo na sila sa kalaban at para huwag ilagay sa panganib ang kalagayan ng kabayo.

Naipanhik ni Hari ng Yambo ang P1.8 million first prize sa kanyang may-ari, Manny Santos. Siyempre tuwang-tuwa ang kanyang trainer, Mark Tupas, sa itinakbo ng kanyang alaga.

Tingin ko alam na natin kung sino ang magya-llamado sa 2nd leg ng Triple Crown sa Hunyo 11 sa  SLLP uli.

* * * * * *

Ang nanalo naman ng Philracom 1st leg Hopeful Stakes noong Sabado ay dehado rin. Tinalo ni Constatic ang san-dosenang kalahok pati na ang llamadong Cheese Mosa, na sumegundo lang sa kanya.

Ang kinalabasan ng laban na nito ay pareho lang sa Triple Crown – second place lang ang favorite. Terserong dumating si Tensile Strength, pang-apat si Whistler.

Dalawang kabayo pa nanalo si Constatic, sa pag-gabay ni Louie Balboa. Si Ronaldo Tan ang may-ari at si Joel Mijares ang trainer. Ang kuwartos ay 25’-24-25’-26’, total time 1:41.4, na pangkaraniwan o average na tiyempo para sa milya.

*****

Ang susunod na malaking karera ay ang Philippine Charity Sweepstakes Office 16th Silver Cup sa darating na Linggo, Mayo 22, Santa Ana Park. Abangan!

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

KL: Jockeys Day, Matagumpay!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 10 May 2011, Tuesday

Jockeys Day, Matagumpay!

Congratulations sa mga miyembro ng New Philippine Jockeys Association sa kanilang matagumpay na pagdiwang ng Jockeys Day nitong nakaraang Santa Ana Park raceweek!

Ayon kay NPJA director jockey Joey Macaraig, “May malaking katuturan ang aming ginawang event. Bukod sa mga sponsored na pakarerang ikinalat sa loob ng ilang araw, na nakapagbigay ng kaunting karagdagang premyo sa mga nanalo, nakapagbigay din kami ng tulong pinansiyal sa ilang mga baldadong hinete.”

Iniabot ni Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II ang tsekeng tig-P25,000 kina Jesus “Bong” C. Guce, Erwin J. Tijam, at Constantino Bernabe, mga dating mananakay na nasakuna sa laban.

Kasama sa sponsors ng event ang PCSO, pati na rin ang Philippine Racing Commission at PhilippineRacing Club, ang may-ari at operator ng home track ng Jockeys Day, ang Santa Ana Park.

Kaya’t kasama rin sa awarding ceremony noong Linggo ang ilang mga opisyales ng PRC, sina Atty. Ramon P. Ereñeta Jr. (executive vice-president at COO) at Ms. Jessica T. Villanueva (assistant vice-president para sa komunikasyon). Dahil kaarawan ni racing manager at AVP Dan Valmonte noong Linggo, hindi siya nakarating ngunit siya naman ang nagrabaho upang maseguro na maayos ang pagtanghal ng mga pakarera at iba pang programa para sa Jockeys Day.

Ang susunod na event ng mga hinete ay ang kanilang taunang summer outing, at kasunod noon ay ang kanilang Christmas party, kung saan ay may recognition ceremony sila para sa mga hinete na top achievers (ang criteria ay “money earned”).

“Maraming salamat sa lahat ng mga tumulong,” ani jockey Joey. “Kung hindi dahil sa kanilang sponsorship ay hindi namin naidaos muli itong Jockeys Day na fundraising para sa mga disabled na hinete.”

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

KL: PCSO 2011 Silver Cup

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 30 April 2011, Saturday

PCSO 2011 Silver Cup

Malapit nang itanghal ang isa sa pinaka-prestihiyosong karera ng taon – ang Philippine Charity Sweepstakes Office Silver Cup.

Ito ay ang ika-16 edisyon ng karera na ganapin sa Mayo 22 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite, sa distansiyang 2,000 meters.

Ayon kay PCSO Draw and Races Dept. manager Carlos Castillo, ang mga deklaradong kalahok ay sina:

Post Position #1 -  Thoti’s Best ni Wilbert Tan, hinete Christopher B. Tamano, 55 kgs;

#2 – Go Army ni Herminio Esguerra, hinete Fernando M. Raquel Jr., 55.5 kgs.;

#3 – Shining Armour ni Mario Gerald Cunanan, hinete Patricio R. Dilema, 55 kgs.;

#4 – Yes Pogi ni Francis Lim, hinete Manolito F. Daquis, 55 kgs.;

#5 – Darleb ni Josephy Dyhengco, hinete Jeffril T. Zarate, 55 kgs.;

#6 – Righthererightnow ng Deemark Trading, hinete Jonathan B. Hernandez, 55 kgs.

Lahat ng kalahok ay lalaking kabayo na 4 taong gulang, maliban kay Go Army na sa edad na limang taon ay ang pinakamatanda sa karerang ito.

Tungkol naman sa Philippine Racing Commission Triple Crown na kampeonato para sa mga 3YO local-born, ang first leg nito ay Mayo 15 sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Ayon kay Philracom handicapper Rolando Lansangan, siyam ang nominadong kalahok – Arvindugo, Barkley, Bosbarawana, Hari ng Yambo, Lord of War, Magna Carta, Maker’s Mark, Super Charge, at The Rock.

Maari pang magbago ang lineup na ito sa araw ng deklarasyon. Ang mangyayari ay baka may umurong, ngunit siguradong wala nang puede pang humabol sa lineup dahil sarado na ang pagpapalista.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

KL: Wanna Change, Panalo!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 19 April 2011, Tuesday

Wanna Change, Panalo!

Makaraan ng kanyang magandang ipinakita sa trial, bumulusok muli si Wanna Change sa Philippine Charity Sweepstakes Office Maiden Race at nilampaso ang mga kalaban sa distansiyang 1,200 meters.

Idinaos ang karera para sa mga 3YO noong nakaraang Linggo sa Santa Ana Park ng Philippine Racing Clubsa Naic, Cavite. Lulan ni jockey Jonathan B. Hernandez, nag-pacing lamang si Wanna Change sa likod ng bumabanderang segundo-llamadong Gold Field, na siya rin sumegundo kay Wanna Change sa trial.

Nagparemate si Hernandez malapit sa huling kurbada, at nanalong malayo, mga limang kabayo pa, sa oras na 1:17.5. Sumegundo si Gold Field at tersero si Sunshine.

Ang susunod na pakarera ng PCSO ay ang Silver Cup, sa May 22 sa Santa Ana Park. Kasalukuyang inuukit ng iskultor ang malaking tropeo. Isa sa elemento nito ang mga magkakadikit na mukha nina Presidente Benigno Aquino III at ng kanyang mga kapatid –Ballsy Aquino-Cruz, Viel Aquino-Dy, Pinky Aquino-Abelleda, at Kris Aquino.

Ang Silver Cup ay dating tinaguriang “First Spouse Cup”, ngunit dahil wala pa namang asawa ang ating Presidente, minabuting gawing in honor of the First Family – ang mga magkakapatid – ang karera.

Ang Philippine Racing Commission naman ay nagpakarera din noong weekend. Sa Diamond II stakes noong Sabado para sa 3YO fillies, nanalo ng kalahating kabayo ang llamadong si Cheese Mosa, sinundan nina Prime Rate, Constatic, at Rhea’s Angel. Ang oras ay 1:42.4 sa milya.

Noong Linggo naman, nanaig si Arvindugo sa Diamond III stakes para sa 3YO colts, sa oras na 1:41.4 sa milya rin. Isang ulo lamang ang lamang niya sa llamadong Magna Carta na sumegundo, sinundan nina The Rock at Dear John.   ***

Related stories:

KL: Racing Taxes Bill

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 16 April 2011, Saturday

Racing Taxes Bill

Halos dalawang taon na ang nakaraan mula noong pumasa sa Lower House ng Kongreso ang House Bill 4176: “An Act Rationalizing the Taxes on Horseracing”.

Mayo 2009 noong ito’y inihain ni Palawan congressman Abraham Mitra sa mga kumite ng Ways and Means at Games and Amusements ng 14th Congress.

Kasama rin dito bilang mga “author” ng racing taxes bill ay sina Cong. Amado Bagatsing (Manila) at Cong. Jeci Lapus (Tarlac). Silang dalawa rin ang co-authors ng HB 224, “Racing Authority Bill”, na ating itinalakay sa kolum na ito noong nakaraang Martes.

Ang sadya ng racing taxes bill ay ang pababain ang buwis sa taya sa karera upang maging mas malusog ang laro ng horseracing. Kung mas mababa ang buwis, mas malaki ang dibidendo sa mananaya at mas marami ang tataya rito; lalakas ang benta ng racing clubs, wala nang tataya sa bookies, at tataas rin ang matatanggap na buwis ng gobyerno. Kaya everybody happy pag naipasa ang bill na ito.

Ang karerang Pilipino ay isa sa dumaranas ng pinakamabigat na pagpataw ng buwis sa mundo – halos 35%.

Sa racing taxes bill, pabababain sa 4% mula sa kasalukuyang 10% ang tax on winnings, at 5% mula sa 10% documentary stamp tax, sa mga exotic bets tulad ng Winner Take All, Pick 6, Pick 5, superfecta, super six, pentafecta, quartet, at triple trifecta.

Sa madaling salita, magiging pareho lang ang buwis na nakapataw sa exotic bets sa buwis ngayon sa special bets – daily double, forecast, double quinella, trifecta, daily double plus one, extra double, at win.

Lumalakas ang benta ng karera tuwing binababa ang buwis, tulad noong 1988. Kapag naman tinataas ang buwis, humihina ang benta, tulad ng nangyari noong 1984 at 1993.

Bagamat pumasa sa mababang kapulungan ang batas na ito noong 2009, iyon ung panahon na nagsara na ang 14th Congress dahil sa eleksiyon ng 2010. Kaya hindi ito naihain sa Senado – dahil sa kakulangan ng oras.

Ngayong 15th Congress na, simula uli ang proseso sa umpisa.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

KL: Philippine Racing Authority?

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 12 April 2011, Tuesday

Philippine Racing Authority?

Hindi po ito bagong panukala kundi lumang-luma na.

Nagkaroon ng hearing muli tungkol sa batas na ito noong isang buwan sa Kongreso. Ang may-akda ng batas na ito noon pa – ang House Bill 224, “An Act Creating The Philippine ThoroughbredHorseracing Authority” – ay si Cong. Amado S. Bagatsing, kilalang horseowner sa kasalukuyan tulad rin ng kanyang ama, ang yumaong mayor ng Maynila na si Ramon D. Bagatsing Sr.

Nakailang pasada rin sa technical working group ng Kongreso ang racing authority bill. At noong panahong iyon, na patapos na ang 14th Congress, ay inasikaso muna ang racing taxes bill na tungkol sa pagpapababa ng buwis sa mga taya sa karera.

Si Cong. Amado rin ang nagpasimuno bagamat ang principal author ng racing taxes bill noon ay si Cong. Abraham Mitra, anak rin ng horseowner, ang pumanaw na si Speaker Ramon V. Mitra Jr.

Pumasa naman ang racing taxes bill sa Lower House noong taong iyon – 2009 – ngunit nagsara na ang Kongreso noong time na iyon dahil sa paghahanda para sa eleksiyon ng 2010 kaya hindi na naihain ang bill na ito sa Senado. Kaya balik muli sa umpisa ng proseso ang racing taxes bill. Ngayong 15th Congress na, isinusulong muli ni Cong. Amado ang parehong bill na ito.

Ang Racing Authority ay ang Philippine Racing Commission pa rin, sa ibang pangalan at anyo, ngunit pinatibay at pinalakas upang mas matugunan nito ang mga problema tulad ng krisis pang-ekonomiya na makakaapekto sa sales.

Magiging parang GOCC (government owned- and –controlled corporation) na ang ahensiya; at sana, gaya ng mga GOCC tulad ng PAGCOR, ay makakakilos na ang gobyerno para sa ikabubuti at ikauunlad ng industriya.

Mabubuhay muli ang National Stud Farm, kung saan makakapagpakasta ang mga may-ari ng kabayo sa mga istalyon sa murang halaga.

Mas mabilis nang lalabas ang mga premyo ng horseowner, trainer, at jockey dahil ang pondo ay manggagaling na mismo sa Authority at di na kailangang hintayin pang lumabas mula sa Department of Budget and Management tulad ng kasalukuyang matagal na proseso.

Sa susunod, ang racing taxes bill naman ang ating tatalakayin.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

KL: Wanna Change sa PCSO Trial

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 2 April 2011, Saturday

Wanna Change sa PCSO Trial

Dinaanang parang bagyo ni Wanna Change ang kalaban nung Marso 29 trial ng Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden Race.

Ang trial race ay ginanap sa Santa Ana Park, at doon din idadaos ang mismong laban sa Abril 17 sa distansiyang 1,200 meters.

Si Wanna Change ay kabayo ni Tarlac congressman Jeci Lapus at ginabayan ni jockey Rey-ann Camañero. Umoras ito ng 1:18 sa 1,200 meters. Sumegundo si Gold Field ni Rosenda Ann Ocampo, tersero si Beau Erin ni Honorato Neri, at cuarto si Sparkler ni Augusto Benedicto “Ochie” Santos. Quinto si Sunshine ni Andre Angelo Santos at bugaw o panghuli sa lahat si Aduana ni Herminio Esguerra.

Kadalasan ang nagiging basehan ng mga mananaya sa araw ng karera ay ang resulta ng trial, ngunit tandaan na ang trial race ay “compliance” rule ng PCSO at kailangang lamang lagpasan ito ng mga entries.

Hindi pinupuwersa ang mga kalahok sa trial upang mapanatili ang kanilang kundisyon at upang bawasan ang chansa na masugatan o mamilay ang kabayo.

Ngunit base na rin sa ipinakita niya sa trial, malaki ang chansa ni Wanna Change na manalo sa araw ng laban.

***

Inaabangan naman ng Bayang Karerista ang Philippine Racing Commission Diamond I Stakes race bukas, Abril 3, sa Santa Ana Park. Ito ay ang third leg ng Imported/Local Challenge series.

Maglalaban sa distansiyang 1,800 meters sina Botbo, Fierce Fighter, coupled entries Indy Hay at Juggling Act, Mooney Money, at Yes Pogi.

Heto ang choices ni veteran jockey Joey Macaraig: ”Matured sa laban si Juggling Act at distansiya niya ito, kaso ang peso niya ay 57 kilos, kaya panegundo ko siya; may ka-couple pa siyang Indy Hay.  Ang third choice ko ang Mooney Money dahil magaling siyang magpa-remate. Pero tailor-made ang karerang ito para kay Yes Pogi, na siyang pam-primero ko.”

Para sa akin, di na pinag-iisipan ang karerang ito – Yes Pogi na, all the way!

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

KL: Hataw, Bandera!

Thanks to Bandera management, especially sports editor Frederick Nasiad, for reviving my Taglish “Karera Lang!” column that was first carried from 2007 to 2009 in the now-defunct tabloid Tumbok, a sister publicationof Bandera under the Inquirer Group.

“Karera Lang!” will appear in Bandera every  Tuesday and Saturday.

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 29 March 2011, Tuesday

Hataw, Bandera!

Maraming salamat kay Bandera sports editor Mr. Fred Nasiad at sa management ng Inquirer Group of Publications sa kanilang pagbigay-daan sa pagbabalik ng “Karera Lang!” tuwing Martes at Sabado.

Ipinanganak ang kolum na ito noong 14 May 2007, at ang pamagat ng maiden column ay “Tabako, Bagong Stakes Winner”. Lumabas ito sa Tumbok tatlong beses kada linggo. Nagtagal ito hanggang 28 February 2009, kulang-kulang dalawang taon din.

Pagkatapos noon ay nagkaroon ako ng mga English-language racing column at opinion column sa isang broadsheet, kaya di naman natigil ang aking pagsusulat. Ngunit maraming karerista ang nakapagsabing nami-miss nila ang aking Tagalog kolum.

Sari-saring balita ang laman ng “Karera Lang!” – mga schedule ng stakes races, analysis nito, mga tips (dehadista ako), resulta ng mga stakes races, mga kaganapan sa industriya ng thoroughbred racing at breeding, at iba pang impormasyon na sana makatulong sa inyo o makadulot ng kaunting kasiyahan man lang.

Mababasa ninyo ang archives ng “Karera Lang!” column at ang aking ibang mga sanaysay tungkol sa karera sa aking website, http://jennyo.net.

Sana rin ay mabuhay natin ang pakarerang sponsored ng Philippine Racing Commission na dating tinaguriang “Tumbok Cup”. Nagkaroon ito ng apat na karera at ang mga proceeds ay ipinamahagi sa charity organizations. Ang naging beneficiary ng 4th Tumbok Cup ay ang Bahay Maria para sa mga street children. Magkaroon kaya tayo ng “Bandera Cup” charity race sa hinaharap?

* * * * *

Nilampaso ng tersero llamadong Smart Guru noong nakaraang Linggo sa San Lazaro Leisure Park ang tatlo pang kalaban sa Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden race. Lulan ni jockey Antonio B. Alcasid Jr., umoras ang kabayo ni Honorato Neri ng 1:23 para sa 1,300 meters at nanalo ng isa’t-kalahating kabayo.

Segundo ang llamadong Tiger Run na pagmamay-ari ni Mayor Benhur Abalos at tersero ang dehado sa lahat na Just For Keeps ni Joel Songsong. Huling dumating ang segundo-llamadong Ooh La La’s Gold ni Eduardo Dimacuha, na siyang nanalo sa trial race.

Ang susunod na pakarera ng PCSO ay April 17 sa Santa Ana Park. Isa rin itong Special Maiden Race na may distansiyang 1,200 meters. Ang trial ang gaganapin ngayong hapon, at mga kasali rito ay mga 3-year-olds (3YO) local-breds – sina Aduana, Beau Erin, Gold Field, at Sunshine (fillies) at Sparkler at Wanna Change (colts).

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

KL: Paalam, Tumbok!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Tumbok,  28 February 2009, Saturday  

Paalam, Tumbok!    

Dito na po magwawakas ang pagsasama ng “Karera Lang!” at Tumbok, dahil itong isyu na hawak ninyo’t binabasa ngayon ay ang huling isyu na.     Dahil na rin sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya, nagtaas na ang presyo ng papel at tinta at, tulad ng maraming pahayagan at magasin sa mundo, magsasara na ang Tumbok.    

Nag-umpisa ang kolum na ito dito noong 14 May 2007, at ang pamagat nitong maiden column ay “Tabako, Bagong Stakes Winner”.     Once a week ang labas ng kolum na ito hanggang sa naging dalawang beses at, sa bandang huli, tatlong beses kada linggo. Halos dalawang taon din pala ito.    

Sari-saring balita ang naihatid sa inyo – mula sa balita tungkol sa mga darating na stakes races, ang analysis nito, mga tips ko (usually dehado), resulta ng mga stakes races, mga kaganapan sa industriya ng thoroughbred racing at breeding, at kung anu-ano pang mga impormasyon na sana nakadulot ng tulong sa inyo o kahit kaunting kasayahan man lang.    

Naroon din ang iba pang mga ala-ala, tulad ng Tumbok Cup na ginanap for four consecutive years sa sponsorship ng Philippine Racing Commission para sa mga charity organizations na napiling tulungan ng Tumbok.    

Maraming salamat po sa inyong suporta, at ganoon din sa aking editor, Mr. Roni Briones, at iba pang mga taga-Tumbok – sina Gigi, Rona, Jomel, Perry, at Normie ay ilan lamang sa mga naging bahagi ng aking buhay.     Doon po sa mga may gustong makabasa pa rin ng aking mga sulatin, dumalaw po sa aking website, http://jennyo.net.    

Makikita pa rin ninyo ako paminsan-minsan sa live racing coverage sa cable television. Doon at sa website ay sisikapin kong maiparating sa inyo ang mga impormasyong makakatulong sa inyong pangangarera at pag-unawa ng industriya.    

Kahit po yayao na ang Tumbok, sana po ay maalala ninyo ito minsan ng may maliit na ngiting namumutawi sa inyong labi.     At patuloy pa rin sana kayong mag-enjoy ng karerang Pilipino, na isa sa pinaka-exciting na sport sa mundo.    

At kahit saan po tayo magpunta, tandaan: “Karera lang – walang personalan!” ***

Related stories:

1 2 3 15